Impormasyon sa wikang Filipino
Nagbibigay ang The Orange Door ng tulong at suporta para sa karahasan sa pamilya, pati na rin sa mga pamilyang nangangailangan ng suporta para sa kagalingan at pag-unlad ng mga bata.
Kung minsan ay hindi OK ang mga nangyayari sa tahanan o sa isang pakikipagrelasyon at kailangan mo ng kaunting tulong at suporta. Narito ang The Orange Door para makinig sa iyo at tulungan kang mabilis at madaling makakuha ng kailangan mong suporta.
Kung ikaw ay nasa kagyat na panganib, tumawag sa Triple Zero (000).
Maaaring makatulong ang The Orange Door kung:
- Kailangan mo ng tulong sa pagmamagulang, o ikaw ay nag-aalala tungkol sa kagalingan o pag-unlad ng isang bata o kabataan.
- Nagagawa kang takutin at makaramdam na di-ligtas ng isang taong malapit sa iyo gaya ng iyong partner, dating partner, kapamilya o tagapag-alaga.
- Ikaw ay isang bata o kabataang hindi ligtas o hindi inaalagaan.
- Ikaw ay nanganganib gumamit ng pag-aasal na mapang-abuso o nangongontrol o kailangan mo ng tulong sa mga pag-aasal na ito sa tahanan o sa isang pakikipagrelasyon.
- Ikaw ay nag-aalala tungkol sa kaligtasan ng isang taong kilala mo.
- Nakaranas ka ng karahasan sa pamilya, kabilang ang pag-aasal na nangongontrol tulad ng pagsubaybay ng isang tao kung saan ka nagpupunta, sino ang binibisita mo, o kung paano mo ginagasta ang pera.
Maaari kang tulungan ng The Orange Door sa pamamagitan ng:
- Pakikinig sa iyo at pagdinig sa iyong mga alalahanain.
- Pakikipagtulungan sa iyo na tukuyin ang kailangan mong tulong at suporta.
- Pagsuporta sa iyo para sa kagalingan at pag-unlad ng mga bata at kabataan.
- Pagtulong sa iyong makagawa ng pangkaligtasang plano upang panatilihin kang ligtas at ang iyong mga anak.
- Pag-ugnay sa iyo sa mga suportang makatutulong, gaya ng pagpapayo, akomodasyon, suporta sa karahasan sa pamilya, mga serbisyo ng kalusugang pangkaisipan, droga at alak, mga suportang grupo sa pagmamagulang, mga serbisyo para sa mga bata, pinansyal o ligal na tulong.
- Pagsuporta sa iyo upang maka-access ng pondo para sa mga batayang gastusin sa pamumuhay at iba pang mga gastusin.
- Pakikipagtulungan sa iyo na magbago kung ikaw ay gumagamit ng pag-aasal na mapang-abuso o nangongontrol sa tahanan o sa isang pakikipagrelasyon.
Paano ko maa-access ang The Orange Door?
Ang The Orange Door ay bukas 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes (sarado sa mga araw ng pista opisyal).
Mag-search ng lokasyon o postcode upang hanapin ang serbisyo sa inyong pook.
Makikipagtulungan sa iyo ang The Orange Door kung gumagamit ka ng mga pantulong sa komunikasyon o kailangan mo ng interpreter, kabilang ang Auslan.
Kailangan ko ng interpreter
Ipaalam mo sa serbisyo kung kailangan mo ng interpreter. Ipaalam sa serbisyo:
- ang numero ng iyong telepono
- ang iyong wika
- kung kailan ligtas na makakatawag.
Pagkatapos ay tatawagan ka ng interpreter
Ang The Orange Door ba ay isang serbisyong dinisenyo para sa akin?
Tinatanggap ng The Orange Door ang mga tao anuman ang edad, kasarian, sekswalidad, kultura, at kakayahan. Igagalang ang lahat ng kultura at relihiyon. Ipaalam sa kawani na mas gusto mong makipagtulungan sa isang lalaki o babaing kawani. Nakikipagtulungan ang The Orange Door sa mga serbisyong multikultural, mga serbisyong LGBTI, at mga serbisyong pangkapansanan upang matugunan ang magkakaibang mga pangangailangan ng mga indibidwal at pamilya. Bibigyan ka ng impormasyon ng kawani tungkol sa mga opsyon at iuugnay ka sa mga serbisyong kailangan mo.
Kung ikaw ay isang migrante o refugee o hindi ka permanenteng residente, matutulungan ka pa rin namin. Huwag kang matakot humingi ng suporta dahil sa katayuan ng iyong pagka-migrante. Ito ay libreng serbisyo. Ipaalam sa mga kawani ng The Orange Door kung mas gusto mong talakayin ang iyong sitwasyon sa telepono o nang harapan.
Saan ako dapat pumunta kung hindi bukas ang The Orange Door?
Kontakin ang sumusunod na mga serbisyo sa labas ng mga oras na ito:
- Men’s Referral Service sa 1300 766 491 (8.00 ng umaga-9.00 ng gabi Lunes-Biyernes, at 9.00 ng umaga-6.00 ng gabi Sabado't Linggo, at mga Pista Opisyal) (Pagpapayo sa telepono tungkol sa karahasan sa pamilya, impormasyon at serbisyo ng pagsangguni para sa mga kalalakihan)
- Ang Safe Steps ay isang suportang serbisyo para sa mga biktima ng karahasan sa pamilya 1800 015 188 (24 na oras, 7 araw sa isang linggo). Maaari ka ring mag-email sa Safe Steps o gamitin ang kanilang live web chat na suportang serbisyo
- Victims of Crime helpline (para sa lahat ng biktima ng krimen at mga lalaking nasa hustong gulang na biktima ng karahasan sa pamilya) 1800 819 817 o text 0427 767 891 (8.00 ng umaga-11.00 ng gabi, araw-araw)
- Ang Sexual Assault Crsis Line ay para sa mga biktima ng pag-atakeng sekswal 1800 806 292 (24 na oras, 7 araw sa isang linggo)
Kung ikaw o ang isang tao ay nasa kagyat na panganib, tawagan ang Triple Zero (000) para sa pang-emerhensyang tulong.
Komento at pagkapribado
Maaari kang magbigay ng komento (feedback) tungkol sa iyong karanasan sa The Orange Door gamit ang online feedback form sa orangedoor.vic.gov.au/feedback o sa pagtawag sa 1800 312 820 at hilinging makipag-usap sa iyong kawani, superbisor o manedyer.
Tinatrato namin nang seryoso ang iyong pribasya. Upang alamin kung paano namin gagamitin ang iyong impormasyon, mangyaring sumangguni sa aming polisiya sa pagkapribado.
Updated